O kay tagal din ang aking pananabikSa pag sulat ng tula ako'y sobrang nasabik
Di yata lubhang nakalilimot na
Sa aking isang hilig sa pag sulat ng isang tula
Ngunit ano ba itong aking nararanasan
Ang pagsulat ng tula'y sinabayan ng karamdaman
Tila isang sumpa ang sa aki'y sumapit
Kasiglahan ng katawan sana sa akin manumbalik
Sa pagdaan ng panahon ako ay lubhang nababahala
Tila pag init ng panahon ay di na nakakatuwa.
Iba't ibang karamdaman sa amin ay nadarama
Delubyo bang masasabi itong mabangis na dilema
Kay daming kaganapan ang ngayon ay nangyayari
Ang tao'y malapit ng mawala sa kanyang bait sa sarili
Dyos kong mapagpala kami sana'y iyong kawaan
Iiwas po kami sa sakit loob na kapighatian.